Makulay na Pag-ibig sa SeekLove 2026
“Kasalanan ba’ng mahulog sa’yo?” Napahinga na lang ako nang malalim nang marinig ang liriko ng kantang “Naiilang” ni Le John. Natamaan ka rin ba? Ayos lang ’yan! Ayon nga kina Hans at Anna, love is an open door. Malaya kang makakapasok, ngunit hindi sa lahat ng oras ay nananatiling bukas ito. Minsan ay naghihintay lamang ito para sa “the one” bago tuluyang sumara. Minsan naman ay pansamantalang nakasara, ngunit sa tamang panahon at sa tamang tao, muli itong magbubukas.